Muli nating napatunayan na lahat ng sinabi Senator Antonio Trillanes laban sa akin ay pawang produkto ng guniguni, tsismis, at kasinungalingan.
Nagbabala na ako noon na dapat hindi paniwalaan ang mga sinasabi ni Trillanes dahil sa eksperto siya sa pagsisinungaling at paghabi ng tsismis at kwentong mapanira.
Naapektohan ng mga paninirang ito ang aking pamilya, lalo na ang aking mga anak.
Isang bagay ang klaro ngayon — tsismoso ang senador na ito. Ang masama ay maging siya ay naniniwala sa kanyang sariling tsismis.
At ang akala nya kaya niyang linlangin ang lahat. Pero hindi.
Masaya ako ngayon at unti-unti nang lumalabas ang totoo.
Gayunpaman, patuloy nating hahabulin si Trillanes para pagbayaran nya at pagdusahan ang kasiraan na dinulot nya sa akin, sa akin mga anak at buong pamilya, at mga taga-suporta.
Maraming salamat sa mga naninindigan sa katotohanan at tama. Maraming salamat sa mga patuloy na sumosuporta.
PAOLO Z. DUTERTE