Sara ends country-wide tour

Mayor Sara Duterte Message
Mahalin Natin ang Pilipinas Ride Thanksgiving Dinner

Assalamulaikum. Madayaw. Maayong gabii sa tanan!!!

Finally, we are home. After 28 days of being away from the comforts our homes, away from our families — nakabalik na tayo.

At dapat lang tayo magpasalamat dahil tagumpay ang Mahalin Natin Ang Pilipinas Ride na ginawa natin sa buong bansa. At natapos natin ang ating byahe nang walang problema. Nakauwi tayo sa ating mga pamilya nang safe.

Sa Mahalin Natin Ang Pilipinas Ride, nalibot natin ang 34 na probinsya.

Sa ating byahe mula Mindanao mula noong February 1 hanggang sa pagbalik natin ngayon araw — nakita natin ang mga reyalidad at sitwasyon sa mga komunidad na ating nadaanan.

May mga parte sa Pilipinas na nangangailangan ng tulong dahil sa nararanasan nilang paghihirap. May mga lugar din na progresibo. Pero sa kabila ng mga reyalidad at pagkakaiba ng sitwasyon, nakita natin ang pagiging masayahin ng mga Pilipino. Naranasan din natin ang pagiging likas na mapagbigay ng mga kapwa natin.

I will never forger the warmth of the people we met along the way. And I will always remember the courage, the strength, and the resiliency they’ve shown us as we passed by — rain or shine.

Sa lahat ng mga sumama sa ating byahe sa loob ng 28 days sa buong bansa, maraming maraming salamat po.

Sa ating mga riders, sa mga staff, sa volunteers, thank you.

Sa ating mga senatorial candidates — kay Senator Robin Padilla, kay Senator Harry Roque, salamat po.

Salamat din sa suporta HNP President Gov Claude Bautista, Lakas CMD President at Majority Floor Leader Martin Romualdez, at House Speaker Lord Allan Velasco.

Ang Mahalin Natin Ang Pilipinas ay simula pa lang ng ating byahe. Mahaba pa ito. At tiyak po ako na sa patuloy ninyong pagsama sa akin ay malayo ang ating mararating.

Sa muli — mahalin natin ang Pilipinas!!!

Shukran. Daghang salamat!!!

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.